San Lorenzo Ruiz de Manila Parish

 Pleasant Hill Subdivision, City of San Jose del Monte, Bulacan, Philippines       Tel. No.:  044-7690585

Church Talk Post New Entry

Insights and Reflections for the Celebration of Easter Sunday

Posted by Jose Luis Perez on March 31, 2013 at 11:20 AM

Ngayong Linggong ito ay ating ipinagdiriwang ang pinakamahalaga at pinakamahabang kapistahan sa ating Simbahan, ito ay ang muling pagkabuhay ng ating Panginoong Jesus. Sa puntong ito, ipinahihiwatig din sa atin ang katuparan at kaganapan ng ating kaligtasan at ng pagiging Diyos ni Kristo. Ito ngayon ang kahulugan at dahilan ng ginawang pag-aalay ng ating Panginoong Jesus sa krus. Kaya nga, this Sunday is the greatest blessing na ipinagkaloob sa atin ng ating Panginoon, ang kaganapan ng ating kaligtasan.

 

This celebration has something to do with our faith. Malaki ang kinalaman ng pagdiriwang na ito sa ating pananampalataya. Ito ay sa kadahilanang ang ating pananampalataya ay dito rin naman nasasandig. Ang pangyayaring ito, ang pagkabuhay na muli ng ating Panginoong Jesus ay siyang batayan din at sandigan ng ating pananampalataya. Kaya nga po, pansinin ninyo, ito ay bahagi ng ipinapahagay nating pananampalataya. Hindi ba't sinasabi natin sa ating pananampalataya na tayo ay sumasampalataya kay Jesus ma Siyang nabuhay tatlong araw matapos na Siya ay mamatay. Kaya nga mga kapatid, this event, this great event, is truly a part of our faith. Ito ay tunay na bahagi ng ating pananampalataya.

 

Sa katunayan, mga minamahal kong kapatid, ang muling pagkabuhay ni Jesus ay minsan nang hindi pinaniwalaan. May mga tao noon na nagsasabing hindi naman talaga muling nabuhay si Jesus. May ilan na nagsasabing ang katawan ni Jesus ay maaaring ninakaw lamang, o dili kaya naman ay itinago lamang ng kung sino. May ilan naman na hindi makapaniwala sa tagpon ito. Kaya nga, halina at ating balikan ang tagpong iyon na kung saan sinasabing si Jesus ay muling nabuhay.

 

Mga kapatid, ang tagpo noong araw na iyon na si Jesus ay muling nabuhay ay pawang magandang balikan at pagnilayan. Kung ating babalikan ang ating Ebanghelyo na ipinahayag, ang eksaktong oras ng pagkabuhay ni Jesus ay hindi naman binabanggit. Ang sinasabi sa ating Ebanghelyo, nang umagang iyon, madilim-dilim pa, si Maria Magdalena at ang iba pang mga kababaihan ay nagpunta doon sa pinaglibingan kay Jesus. Ngunit pagsapit nila doon, ay kanilang natagpuan na ang katawan ni Jesus ay wala na roon. Kaya nga, tulad ng sinabi ko kagabi, hindi sinasabi sa atin na si Jesus ay nabuhay ng umagang iyon. Probably, si Jesus ay nabuhay bago pa man ang umagang iyon. Sapagkat nang dumating sina Maria Magdalena at ang iba pang mga kababaihan, wala na ang katawan ni Jesus. Kaya nga, malaki ang posibilidad na Siya ay muling nabuhay, gabi pa lamang bago ang umagang iyon.

 

Ngayon, ang senaryong iyon ay mahalaga din. Umagang-umaga ng araw na iyon ay nagpunta sila sa pinaglibingan kay Jesus, dala ang mga pabango na inilalagay sa katawan ng isang pumanaw na. Ngunit sa kanilang pagparoon, hindi nila natagpuan ang katawan ni Jesus. Ang tanging nakita lamang nila ay ang puting tela na ginamit at ibinalot sa katawan ni Jesus. Kaya't ano ang ginawa nila, nang makita nila ito, sila ay nagpunta sa mga alagad. Ito ay kanilang sinabi sa mga alagad. Tanong, nang matagpuan ng mga babaing ito na wala na ang katawan ni Jesus doon, bakit kinailangan pa nilang tumakbo sa mga alagad upang ito ay sabihin? At bakit naman ang mga alagad ay kinailangan pang tumakbo upang tignan kung totoo nga ba ang sinasabi ng mga babaing ito?

 

Ito po ang kasagutan, nang makita ng mga babaing ito na ang katawan ni Jesus ay wala na sa pinaglibingan sa kanila, hindi naman nila ito agad maaaring ipagsabi sa kaninuman. Remember, ang mga kababaihan, sa panahon ng mga hudyo ay hindi naman masasabing credible witnesses. Hindi ba't ang mga babae, noong pahanon ng mga hudyo ay hindi naman binibigyan ng lubusang pakikisangkot sa lipunan? Hindi ba't noon, ang mga kababaihan ay wala naman nasasabi kapag ang pinag-usapan na ay ang tungkol sa lipunan? Kaya nga, hindi sila maaaring paniwalaan ng mga tao kung kanilang sasabihin agad ito sa mga tao. At ito rin ang dahilan kaya't ang mga alagad ay kinailangan pang tumakbo patungo sa pinaglibingan kay Jesus. They must see it first, before they have to believe on it. Kinakailangan muna nila itong makita bago nila ito paniwalaan.

 

If we would apply this in our daily lives, siguro mahalaga na makita natin na paminsan-minsan, hindi ba't ito ang nagiging pananaw ng mga tao? Hindi ba't madalas, ang sinabi ng mga tao, kinakailangan makita muna natin, bago tayo maniwala, sabi mga, "to see is to believe." Ang pananaw na ito ay madalas na nagiging pamantayan sa buhay ng tao. Kung minsan, ang mga tao sa panahon natin ngayon ay pawang mga sigurista, bago natin paniwalaan ang sinasabi ng mga tao, madalas, kinakailangan pa natin ng pruweba o patunay. Siyempre, mahirap nga naman maloko.

 

Ngunit kadalasan, maging sa pananampalataya ng Diyos sa tao, ito rin ang nagiging pamantayan ng tao. May mga pagkakataon sa ating buhay na ating sinasabi din na tayo ay mananamplataya lamang o maniniwala sa Kaniya kung may maipapakita Siyang pruweba. Kung minsan may mga tao na pawang sasabihin pa sa Diyos na, sige Panginoon, maniniwala lamang ako sa Iyo kung ibibigay Mo ang aking mga kahilangan. O kaya naman sasabihin ng iba, Panginoon, ako ay maniniwala sa Iyo, kung ako ay pagagalingin mo. Ang pananampalataya, mga kapatid, ay hindi nababatay sa mga patnay o patotoo. Ang pananampalataya sa Diyos, sabihin man natin na pawang hindi natutugon ang ating mga panalangin, tayo ay naniniwala pa rin at nananampalataya sa Kaniya. Hwag lamang tayo basta umasa sa mga patunay at patotoo para tayo ay maniwala. Umasa tayo at manampalataya sa ating Panginoon.

 

Sa pintong ito, mga kapatid, hindi ko naman sinasabi na mali ang pananaw na sinasabing, "to see is to believe." Sa katunayan, ito din naman ay tunay na nagiging totoo sa buhay ng tao. Siguro higit na mainam lamang na pagdating sa ating pananampalataya, hindi ito ang maging pamatayan natin. Higit siguro na mainam na sabihin nating "to believe is to see." Ang pananampalataya natin ay maaaring makapagdulot sa atin upang tayo ay higit ma makakita at makaunawa sa misteryo at kadakilaan ng Diyos. Kung tayo ay mananampalataya, higit nating makikita ang presensiya ng Diyos sa ating buhay. To believe is to see. Kung mananamplataya ka sa Kaniya, mas makikita mo ang Kaniyang presensiya sa iyong buhay.

 

Mga kapatid, ito ang misteryo ng biyayang ito ng Diyos. Ang muling pagkabuhay ni Jesus ay hindi lamang basta isang patotoo o patunay para tayo ay maniwala at manampalataya sa Diyos. Ito ay isang katotohanan at biyaya na tnatanggap ng mga tao na tunay na nananampalataya at nagtitiwala sa kapangyarihan ng Diyos.

 

At this point of our celebration, we must also be reminded that we should also be a living witness of the presence of God. Katulad ng ating ipinagdiriwang ngayon, ang muling pagkabuhay ni Jesus, tayo rin ay dapat na maging instrumento upang masaksihan din ng ating kapwa ang presensya ng Diyos sa ating buhay. Ito ang hamon sa atin ng muling pagkabuhay ni Jesus. Maging bakas ka ng presensiya ng ating Panginoon.

 

Insert kwento of Nanay Sion.

 

Mga kapatid, ang Diyos ay muling magpahayag at nagpaama ng kaniyang presensiya para sa atin. At muli, tayo ay pina-aalalahanan nito na maging bakas din ng presensiya ng ating Panginoon. Sa pamamagitan ng ating mga mabubuting ginagawa, kinakailangan na makita at madama ng ating kapwa na ang Diyos na muling nabuhay ay tunay na present sa ating buhay. Sa pamamagitan ng ating mga salitang binibitawan, kinakailangan na makita, madama at madinig ng ating kapwa ang presensiya ng ating Panginoon.

 

Ito rin po marahil mga kapatid ang dapat maging pamantayan din sa ating pagpili sa mga ihahalal natin upang mamuno sa ating pamahalaan. Bukas makalawa ay magsisimula na ang kampanya ng mga naghahangad na maglingkod sa ating mga local offices sa ating pamahalaan. Ang mga naghahangad sa mga national offices ay halos nakapagsimula na. Kabi-kabila nanaman ang mga salitang bibitawan ng tao na naghahangad maglingkod sa atin. Ngunit pakatandaan ninyo mga minamahal kong kapatid, anu mang maririnig natin mula sa kanila, anu mang mga gawain ang ating makikita mula sa kanila, kinakailangan tignan natin kung nababakas ba sa kanilang sinasabi ang presensya ng Panginoon. Bago natin markahan ang kanilang mga pangala sa ating balota, tignan muna natin, pakinggan muna natin, kilalanin muna natin. Nadarama ko mo ba sa kanila ang presensiya ng Diyos? Nakikita mo ba sa kanilang mga ginagawa ang presensiya ng Diyos?

 

Sa puntong ito ng ating pagdiriwang, ito ang hamon na aking iiwanan sa inyo. Kung paanong ang pagkabuhay na muli ni Kristo ay nagsilbing paalala sa presensiya ng ating Panginoon, pagsumikapan natin na sa ating buhay, sa mga ginagawa at sinasabi natin, mabanaag, makita, at maulinigan ng ating kapwa, na ang Diyos ay tunay na present sa ating buhay. Amen.

 

Categories: Reflections of the Soul

Post a Comment

Oops!

Oops, you forgot something.

Oops!

The words you entered did not match the given text. Please try again.

You must be a member to comment on this page. Sign In or Register

0 Comments