San Lorenzo Ruiz de Manila Parish

 Pleasant Hill Subdivision, City of San Jose del Monte, Bulacan, Philippines       Tel. No.:  044-7690585

Church Talk Post New Entry

Insights and Reflections for the Celebration of the Veneration of the Cross

Posted by Jose Luis Perez on March 31, 2013 at 11:00 AM

Ngayon po ay naririto tayo at nagkakatipon upang magpasalamat sa ating Panginoon. Ngayon ay nagananp na ang kaniyang pag-aalay ng kaniyang sarili para sa atin. At ito na rin ang katuparan ng pangako sa atin ng Diyos. Kaya't palakpakan po natin ang ating Panginoon.

 

Sa puntong ito, hayaan po ninyo na muli kong ituloy ang ating naging pagninilay kagabi. Tulad po kagabi, isa-isahin po nating muli ang mga mahahalagang elemento ng pagdiriwang na ito. Kagabi sabi po natin, this season of the Paschal Triduum is one great mystery. Ito ay isang buong dakilang misteryo ng ating pananampalataya. At sinabi rin natin na ito ay isang tuloy-tuloy na pagdiriwang. Mula sa misa ng Huling Hapunan kagabi, ipinagpapatuloy po natin ngayon ang ating pagdiriwang ng misteryong ito.

 

Ang unang mahalagang elemento po ng pagdiriwang na ito, tulad kagabi, ay ang oras ng pagdiriwang. Mahalaga po at highly recommended, that this liturgical celebration should be held at 3 o'clock in the afternoon. Ito po ay sa kadahilanan na tinutupad lamang natin ang sinasabi sa banal na kasulatan. Hindi ba't sinasabi sa ating Banal na Kasulatan na si Jesus ay namatay ng anong oras? Hindi ba't ikatlo ng hapon sinasabing namatay si Jesus? Kaya naman po ang liturgical activity na ito ay marapat lamang na ipagdiwang sa ikatlo ng hapon ng Biyernes Santo. Actually, mejo na'late na po yata tayo. But any way, ito po ang kahulugan niyan.

 

Minsan kasi ay nagtataka yung iba, bakit ba kung kailan napa init, kung kailan ung oras na napaka alinsangan, saka ginagawa ang mahaba-habang pagdiriwang na ito? Eh akala po yata ng iba, pinahihirapan sila! Hindi po! Ito po ay sa ganitong oras talaga ginagawa, sapagkat ito mismo ang oras na sinasabi sa Banal na Kasulatan nang pagkamatay ni Jesus. At ayaw po ba ninyo nun, ito rin ay maaaring sakripisyo na maaari ninyong gawin para sa ating Panginoon? Kung si Jesus nga, sa ganitong kainit na panahon, nagpasan pa ng krus at naglakad paakyat sa Bundok ng Golgota. At pagdating sa bundok, hindi man lang pinagpahinga, ipinako pa agad sa krus na kaniya mismong pinasan. Tayo, ito na lamang ang magagawa nating sakripisyo. Kaya't mga minamahal kong kapatid, ito po ang kahulugan niyan. Kaya tayo ay naririto, ganitong oras, sa kainitan ng maalinsangang tanghali, ay pinararangalan natin ang krus ni Kristo, inaalala natin ang ginawang pag-aalay ni Jesus na sinasabing naganap ngayong alas-tres ng hapon.

 

Ikalawang elemento na ating mahalagang makita ay ang setting ng ating simbahan. Luminga-linga po kayo. Ano ang mapapansin ninyong kakaiba? Hindi ba't parang walang dating ang ating simbahan ngayon? Walang ayos ang ating simbahan? Ultimo ang altar ay hindi natatakpan. Ang tabernakulo ay nakabukas at walang laman! Hindi ba't parang may kulang? Parang may nawawala yata! Nasaan ang Banal na Satisimo? Ang katawan ni Kristo? Nasaan si Jesus?

 

Actually po, ang Blessed Sacrament po ay pansamantala lamang nating itinabi. Hindi po muna inilagay sa tabernakulo ang ating Blessed Sacrament. Ang altar po ay sadyang hindi po nilagyan ng takip o mantel. Walang masyadong ayos ang simbahan, sapagkat tayo po ngayon ay nagluluksa. Because the Lord was taken away from us! Through his death on the cross, our Lord Jesus Christ was taken away from us! At marapat laman na ipaalala sa atin na dapat tayong mangulila at malungkot. Kaya nga po, the setting of our church would remind us. Inagaw po sa atin si Jesus, sa pamamagitan ng Kaniyang kamatayan. Ngunit huwag po kayong malungkot. Hindi pa po tapos. May kasunod pa po. Hndi ba't sinabi ko sa inyo kagabi, ang pagdiriwang na ito ay bukas pa matatapos. Therefore, sabi nga ng isang lumang palabas, "abangan ang susunod na kabanata!"

 

The next element that I would like you to notice is the color of our liturgical vestment. The color being used for this celebration is color Red. Noon po, ang liturgical color na giinagamit ay itim, sapagkat nagluluksa nga po. But the Liturgy suggest that it should be red. Bakit? Una, Kasi po, ang kulay pula is a symbol of blood and martyrdom. It shows us and reminds us that Christ is the first martyr! Tinanggap niya ang kamatayan. Inialay niya ang kaniyang buhay dahil sa kaniyang pagmamahal sa atin, at bilang pagsunod din sa kalooban ng Ama. Ikalawa, red is also traditionally a color of Kings. Ito po ay makikita pa rin ninyo sa mga coronation na ginagawa sa ibang mga bansa na pinamumunuan ng mga hari. Hindi ba't ang pangkaraniwang kulay ng kapa ng mga hari ay, kulay pula. At sang ayon po sa Ebanghelyo, nang si Jesus ay suotan ng mga kawal ng koronang tinik, hindi ba't siya ay sinuotan din nila ng balabal na purpura? At pagkatapos ay isa-isa silang lumapit at sumigaw na si Jesus ang hari ng mga hudyo. Samakatuwid, ang kulay pula, ay sumasagisag sa paghahari ni Jesus na nakamit niya maging sa kaniyang pagpapakasakit at kamatayan. At mas makakamit niya sa araw ng Kaniyang muling pagkabuhay.

 

Next, tignan din po natin ang elemento na ipinapakita sa pagsisimula natin kanina ng ating pagdiriwang. Paano tayo nagsimula kanina sa ating pagdiriwang? Tahimik ang lahat, hindi ba? Walang pambungad na awit? Pumasok ang pari, at ano ang ginawa? Dumapa hindi ba? Bakit ganito ang simula? Bakit hindi katulad ng ginagawa natin sa ibang pagdiriwang? Ito po ay dahil sa we are commemorating the deepest humiliation of the Lord in his passion and death. Inaalala natin ay ang pagpapakababa na ginawa ng ating Panginoon. Therefore, walang glorious procession or entrance. It is just a simple and humble entrance.

 

Siguro sasabihin ng iba, eh Father, pwede naman hindi na dumapa pa, sayang ang damit mo, marurumihan. Hindi po, actually, itong pagdapa, o yung tinatawag na prostration sa ingles, ay expression din po ng deepest humility and adoration. Ito po ay pagpapahayag ng ating kababaan at pagsamba. Tanong, eh di Father, lumuhod ka na lang, bakit dadapa pa?

 

Ito po yan, this rite of prostration, is very much impressive and should not be substituted only by kneeling. Hindi po ito dapat palitan lamang agad ng pagluhod. In genuflection or kneeling, we make ourselves only small in front of Jesus. Kapag tayo ay lumuluhod lamang, ipinapakita lamang natin ang ating kaliitan sa harap ng ating Panginoon. But when we are prostrating, kapag tayo ay dumadapa, we make ourselves nothing in front of our Lord. Kapag tayo ay dumadapa, higit pa sa pagigiing maliit sa harap ng ating Panginoon ang ating ginagawa. Ipinapahayag natin ang ating kawalan sa harap ng ating Panginoon.

 

Ngayon, sa pagpasok kanina, sa pagdapa ng pari, walang kanta, silence lamang. Ito ay sa kadahilananang tayo ay dapat manalangin sa ating Panginoon. At kagaya nga ng sabi natin kanina, this should not be a glorious entrance. Ito ay isang simple at payak lamang na pagsisimula.

 

After this, liturgy of the Word comes next. Pagninilayan ang Salita ng Diyos. At matapos ito ay susunod na ang isang mahalagang elemento o bahagi ng pagdiriwang na ito, ang pagpaparangal sa krus, o ang veneration of the cross.

 

Tanong. Bakit kailangang parangalan o itanghal ang krus? Hindi ba't ito ang naging dahilan ng paghihirap at kamatayan ni Jesus? Hindi ba mas dapat nga na wag na lamang natin ito isama sa setting? Hindi po. Mahalaga po ang ginampanan ng Krus na ito sa dakilang ginawa ng ating Panginoong Jesus. This cross is a symbol of our redemption and liberation. Ito ay tanda ng ating kaligtasan. Sa pamamagitan nito, tayo ay nailigtas ni Jesus. Ito ang naging susi upang tayo ay mapalaya ni Jesus mula sa kasalanan.

 

Gayundin naman, ang krus na ito is also a sign of an incredible love and the power and will of God to save. Ito ay tanda ng pagmamahal ng Diyos, at ng kaniyang kakayahan at kapangyarihan upang tayo ay iligtas. Kaya nga ito ay dapat lamang na parangalan. At tanda nga ng ating pagpaparangal dito ay itatanghal natin ito, at ito ay ating hahalikan.

 

Mga kapatid, tanddan po natin, this cross, should not be forgotten in this great celebration. Hindi ito dapat ipagsawalang bahala, may malaking ginampanan ito sa ating katubusan. Kaya't ito ay ating pinararangalan.

 

Matapos nito, ay susunod na ang pagtanggap ng Banal na Komunyon. Bagama't hindi naman misa ang ating ginawa, tayo po ay mayroong pagtanggap ng Banal na Komunyon. Ito ay sa kadahilanang, we are reminded that we are now receiving the fruit of the sacrifice made by Jesus. Sa pagtanggap natin ng Banal na Komunyon, ipinapaalala sa atin na ito ang bunga ng paghihirap at kamatayan ng ating Panginoon. Sa pamamagitan ng kaniyang pag-aalay ng buhay, tayo ngayon ay nakikipag kaisa sa kaniya. That is why it is called communion, pagkakaisa, pakikipag kaisa natin sa ating Panginoong Jesus.

 

Napaka ganda po ng ating Liturhiya hindi ba? Ngunit ang gandang ito, ay idinulot ng pag-aalay na ginawa ng ating Panginoong Jesus. Amen!

Categories: Reflections of the Soul

Post a Comment

Oops!

Oops, you forgot something.

Oops!

The words you entered did not match the given text. Please try again.

You must be a member to comment on this page. Sign In or Register

0 Comments