San Lorenzo Ruiz de Manila Parish

 Pleasant Hill Subdivision, City of San Jose del Monte, Bulacan, Philippines       Tel. No.:  044-7690585

Church Talk Post New Entry

Welcome to "Church Talk" where you can blog about your faith experiences. As a member, please feel free to write, testify and share the promptings of the Holy Spirit within you that would help  inspire other brethren in their spiritual journeys.  You may also comment on other members' spiritual writings that would be the beginning of a dialogue towards the understanding and deepening of our faith in God and the Catholic Church.

view:  full / summary

Christmas Message 2013

Posted by Fr. Edmond Santos on December 23, 2013 at 5:40 PM Comments comments (0)

Maliwanag ang paligid na punong-puno ng ilaw sa bawat paghihintay at pagdiriwang ng araw ng Pasko. Ang sambayanang nadidiliman at nagkasala ay niloob na tanglawan ng ilaw na walang iba kundi si Hesus. Sa pagsilang ni Hesus, na S'yang ating ilaw, tayo ay ginagabayan patungo sa tunay na sabsaban, ang kalangitan.

Maligayang Pasko po sa lahat!

Nagmamahal,

Rdo. Padre Edmond D. Santos 

Kura Paroco


Sandosenang Pasasalamat Kay San Lorenzong Dakila

Posted by Emily G. Sequeira on September 24, 2013 at 5:40 AM Comments comments (0)



Patungo na ang bagyong Odette palabas ng bansa ngunit nag-iwan pa rin ito ng pabugso-bugsong ulan at malakas na ihip ng hangin sa huling araw ng Sambuklod Festival. Ang madilim na papawirin at ang malamig na dampi ng hangin ay hindi naging hadlang sa pagpapatuloy ng pinakahihintay taun-taon na Street Dancing competition sa aming parokya.


"Rain or shine!" ang malakas na pag-anunsyo ni Fr. Mar Ladra na tila baga sinasabing walang makahahadlang sa aming nakagawiang pagdiriwang at pasasalamat. “Ang ulan ay simbolo ng napakaraming biyayang ibinubuhos sa atin ng Diyos sa tulong at panalangin ni San Lorenzo na dapat nating lubos na pasalamatan.” wika pa niya. Ang taos-pusong pakikiisa at ang nag-aalab na sigasig naman ng bawat kalahok ay nagbigay-init sa malamya at malamig na lagay ng panahon.


Nagsipaghanda na ang lahat para sa pinaka-finale ng kapistahan pagkatapos ng misa na pinangunahan ng Kgg. na Opispo ng Malolos, Jose Oliveros, DD. Naghanda na rin ako at ang aking anak na si Jonalee upang tupdin ang naiatas sa amin. Suot ang aming cardigan, bitbit ang payong at kamera sinuong namin tulad ng karamihan ang buhos ng ulan upang makiisa, makilahok at makunan ng mga larawan ang buong kaganapan.


Sa pagkakataong ito, hindi ko mapigilang magbalik-tanaw, isang dekada at dalawang taon na ang nakararaan. Taong 2001 ng unang inilunsad ang Sambuklod Festival na may layuning pagbuklurin ang mga naninirahan sa Bgy. San Manuel at mga karatig-pook. Tandang-tanda ko pa ang munting kapilya ni San Lorenzo na dinatnan ni Rev. Fr. Mario Jose C. Ladra na noo’y bagong paring itinalaga sa lugar na ito taong 2000. Makalipas ang tatlong taon, sa pagpupunyagi ng butihing pari at sa tulong ng maraming nagmagandang-loob, naitayo ang isang maganda at maayos na simbahan. Nabuo at itinatag pagkatapos ang Parokya ng San Lorenzo Ruiz de Manila noong taong 2004 at si Fr. Mar ang naging unang kura paroko nito.


Marami nang Sambuklod ang nagdaan. Maraming panata ang taon-taon ay isinasagawa. Ang mga kabataang sumali noong kauna-unahang Sambuklod ay malalaki na. Ang karamiha’y nagsipagtapos na ng kanilang pag-aaral. Ang iba naman ay may mga trabaho na at may mga sariling pamilya na rin. Hindi na mabilang ang mga kahilingang idinulog, sinambit at natupad sa tulong at panalangin ng mahal naming patron, si San Lorenzo - ang unang santong Pilipino at ang tinaguriang "santong madaling lapitan". Siya ang huwaran ng mga Pilipinong nangingibang-bansa kahit saan mang dako ng mundo. Hindi lingid sa lahat na halos bawat pamilya sa aming parokya ay may mahal sa buhay na nakapangibang-bansa sa tulong at panalangin ng “santong madaling lapitan” na tunay nating kababayan at malapit sa ating mga puso. Higit pa sa sandosenang pasasalamat ang nararapat lamang na ilaan sa Panginoon at sa patrong minamahal!


May kakaibang halaga at kahulugan rin ang ika-labindalawang taon ng Sambuklod. Ito ang huling Sambuklod sa aming parokya ng haligi at punong-abala ng taung-taong masayang pagdiriwang na ito sapagkat sa darating na Nobyembre, 2013 si Fr. Mar Ladra ay maitatalaga na sa ibang parokya. “Paano na kaya ang susunod na Sambuklod?” ang naitanong ko sa aking sarili.


Patuloy ang walang tigil na pagbuhos ng ulan kasabay ang indakan, hiyawan at paligsahan ng mga kalahok sa patio ng simbahan. Sa likod ng kasiyahang ito, di maitatatwang ang mistulang pagluha ng langit ay pakikisa rin sa aming kalungkutan na nadarama sa nalalapit na paglisan ng hindi lamang ng aming mahal na kura paroko na naging gabay sa aming buhay-espiritwal sa loob ng humigit kumulang na labintatlong taon kundi rin ng aming katuwang na kura-paroko na si Rev. Fr. Michael G. Antonio na sa maikling panahong pamamalagi sa aming parokya ay kinakitaan ng tunay na pagmamalasakit at pagmamahal sa kanyang mga parokyano.


Sa isa sa mga maikling pakikipanayam ko kay Fr. Mar, inamin ng butihing pari na, “Di madaling lisanin ang parokyang minahal at pinaglingkuran ko ng mahaba-haba ring panahon.” Wika niya, “Ito ay maihahalintulad sa isang amang iiwan ang kanyang buong pamilya. Ang kaibhan nga lamang, ang isang ama ay maari pang bumalik sa kanyang pamilya. Ang isang kura paroko ay hindi na.” Dagdag pa niya, “Wala na itong balikan.”


Habang ang mga hurado ay nahihirapang magdesisyon kung sino ang tatanghaling nagsipagwagi at kampeon sa taong ito, hindi miminsang nagpakita ng likas na galing sa pag-awit ang naimbitahang Prinsesa ng Kundiman, si Melbelline Anne Caluag. Siya ay naging Kampeon ng Talentadong Pinoy at isa sa ipinagmamalaki ng lalawigan ng Bulacan.


Umugong ang hiyawan at matinding palakpakan nang tawagin na ng TV host at emcee, na si Makata Tawanan ng TV 5 ang Kampeon ng Sambuklod 2013 na walang iba kundi ang Bgy. Sta. Lucia. Tumataginting na P50,000 ang papremyong kanilang iniuwi, tropeo at mga certificates. Mayroon din laang papremyo sa lahat ng nagsilahok.


Wala na ang mga sayawan at hiyawan. Tapos na ang paligsahan. Nagsilisan na ang mga nagsilahok. Wala na isa mang anino sa patio ng simbahan. Ngunit patuloy pa rin ang pagpatak ng manaka-nakang ulan simbolo ng patuloy na mga biyayang dumadaloy sa aming buhay sa gitna ng walang katiyakang kinabukasan.


Mula sa panulat ni: Emily G. Sequeira

Alin ang higit na mahalaga? (Homily for the 16th Sunday in Ordinary Time

Posted by Jose Luis Perez on July 22, 2013 at 2:10 AM Comments comments (0)
Minsan may isang motorista ang naglakbay. Sa kaniyang paglalakbay, may nadaanan siyang isang Gasoline Station. Nabasa niya ang nakapaskil sa Gasoline Station, nakalagay doon: “We render good service for our costumers.”Dahil dito, siya ay nagpasya na dumaan sa nasabing Gasoline Station upang magpakarga ng gasolina. Habang siya ay papasok pa lamang sa Gasoline Station, agad niyang nakita na kumilos at tumayo agad ang mga Gasoline Attendant at siya ay nginitian at kinawayan. Nang siya ay naka hinto na, agad lumapit sa kaniya ang unang gasoline attendant at ang sabi sa kaniya, “Goodmorning sir, ano po ang maipaglilingkod ko sa inyo? Gusto nyo po ba na linisin ko ang windshield ng inyong sasakyan? Pupunasan ko po ang salamin ng inyong sasakyan upang ito ay luminaw at luminis. Sumagot ang motorist at ang sabi, sige, mainam yan, para luminaw ang salamin ng aking sasakyan. Maya-maya pa ay lumapit ang ikalawang gasoline attendant, kinausap siya at ang sabi, “sir, gusto nyo po ba na i-check ko ang tubig sa radiator ng inyong sasakyan? Titignan ko po kung ito ay nasa tamang level pa, at kung kulang ay aking lalagyan.” Pumayag ang motorist sapagkat alam niya na malayo-layo pa ang kaniyang lalakbayin. Maya-maya ay lumapit naman ang ikatlong gasoline attendant at ang sabi, “sir, gusto nyo po ba na i-check ko ang hangin ng inyong mga gulong? Tignan po natin kung ito ay taman ba sa sukat.” Muli ay pumayag ang motorist. Ilang minuto pa ang lumipas, natapos na ang ginawa ng tatlong gasoline attendant, at dahil dito, natuwa ang motorista sa sa kanilang ginawa. At binigyan sila nito ng tip, saka ito umalis. Makaraan ang ilang minuto, muling bumalik ang motorist, tinawag at kinausap ang tatlong gasoline attendant. Sinabi niya sa kanila, “maganda ang ginawa ninyong serbisyo kanina, ngunit may nakalimutan kayong gawin, nalimutan nyo na lagyan ng gasolina ang aking sasakyan. Ito pa naman ang dahilan kung bakit ako nadaan dito sa inyong Gasoline Station.”
 
Mga kapatid, sa ating Ebanghelyo sa Linggong ito, ipinapaalala sa atin ng ating Panginoon na kinakailangan na bigyan natin ng sapat na pagpapahalaga ang mga bagay na higit na importante sa ating buhay. Kinakailangan na hindi natin makalimutan ang mga bagay na higit na mahalaga sa ating buhay.
 
Sa Ebanghelyo, natunghayan natin, si Jesus ay nagpunta sa isang nayon. At sa pagpasok Niya sa nayong iyon, siya ay tumuloy sa bahay ng kaniyang mga kaibigan niyang sina Marta at Maria. At tulad sa ating kaugalian, kapag tayo ay may inaasahang bisita sa ating mga tahanan, tayo ay naghahanda at nag-aayos. Sa ating mga Pilipino, dahil nga sa tayo ay kilala sa pagiging hospitable, nakaugalian na natin na kapag may darating na bisita, kinakailangan ay makapag handa tayo. Inihahanda natin at nililinis ang ating mga tahanan. Ang mga nakakalat na abubot at dapat na iligpit at itabi. At syempre, kinakailangan din ay may nakahandang pagkain na ating pagsasaluhan. At ang iba pa nga ay nagpapa-ayos pa ng kanilang sarili. Kailangan ay maganda at gwapo sila, ung iba ay nagpapa parlor pa, at ang iba ay bumibili pa ng magandang damit. Ito marahil ay sa kadahilanang, nais natin na maging presentable tayo, at maging komportable ang ating bisita.
Kaya nga, ganito rin ang nangyayari sa ating Ebanghelyo. Naging mainit din ang pagtanggap ni Marta at Maria sa pagdating ni Jesus sa kanilang tahanan. Kaya nga, tulad ng nasaad sa ating Ebanghelyo, si Marta ay abalang-abala sa paghahanda. Abala siyia marahil sa pag-aayos sa kanilang tahanan, sa paghahanda ng mga maaaring kailanganin ni Jesus, paghahanda ng mga pagkain para kay Jesus. Sa kabilang banda, habang si Marta ay abala sa maraming bagay, nakita niyang ang kaniyang kapatid na si Maria ay naroon lamang sa tabi ni Jesus, naka-upo sa paananan nito, at nakikinig lamang sa kaniya. Kaya nga, kinausap ni Marta si Jesus upang masabihan ang kaniyang kapatid na siya ay tulungan sa paghahanda. Ngunit ano ang sagot ni Jesus? Sabi ni Jesus, ang sabi ni Jesus, “Pinili ni Maria ang higit na mahalaga, kaya ito ay hindi aalisin sa kaniya.” Dahil sa pananalitang ito, makikita natin, mas kinalulugdan ni Jesus si Maria.
Bakit nga ba ang kinalugdan ni Jesus ay si Maria, gayong itong si Marta, simula pa lamang na dumating Siya sa tahanan ng mga ito, ay abalang-abala sa paghahanda at pagsasa-ayos ng mga bagay-bagay na maaaring gamitin ni Jesus?
Kung tutuusin, tama naman ang ginawa ng magkapatid. Tama lamang na bigyan ng mainit na pagtanggap ang pagdating ni Jesus sa kanilang tahanan. At tulad nga ng naka-ugalian ng mga Hudyo, ang mga kababaihan, sila ang mga naaatasan na maglingkod sa kanilang pamilya, mga kaibigan, at maging ang mga bisita nila. Kaya nga, tama naman ang ginawa ni Marta. Dapat lamang na ipaghanda niya si Jesus. Ngunit sa kabilang banda ay may punto din naman ang ginawa ni Maria. Hindi ba’t kapag tayo ay may tatanggaping bisita sa ating tahanan, hindi ba’t kinakailangan, kapag dumating na ang bisita, dapat ay may isang tao din na kakausap, mag-eentertain at makikipag huntahan sa bisita. Ngunit, sang ayon sa tradisyon at kaugalian ng mga Hudyo, ang ganitong gawain ay hindi na sakop ng gawain ng mga kababaihan. Ang mga humaharap sa mga bisita, ang mga nakikinig sa mga nagtuturo, ‘yon ay para sa mga kalalakihan na. Hindi na ito sakop ng gawain ng mga kababaihan.
Sa puntong ito, ang kinalugdan ni Jesus aay si Maria, sapagkat mas mahalaga pa rin ang ginawa ni Maria. Bakit? Sapagkat sa pagdalaw ni Jesus sa kanilang tahanan, hindi naman niya hangad na siya ay bigyan nila ng magarbong pagdating. Hindi rin naman niya hangad na siya ay kanilang paglingkuran ng husto. Ngunit ang hangad marahil ni Jesus, sa kaniyang pagdalaw sa kanila, ay ang siya ay mapakinggan.
Mga kapatid, marami tayong pinahahalagahan sa ating buhay. Nariyan na pinapahalagahan natin ang ating hanap-buhay. Mahalaga sa atin ang ating trabaho. Mahalaga sa atin ang ating pamilya. Mahalaga sa atin ang pag-aaral. Pero ito na nga lamang ba ang dapat natin pahalagahan sa ating buhay?
Tama poi yon. Dapat ay pahalagahan natin an gating trabaho o ang ating hanap-buhay. Dapat din na ating pahalagahan ang ating pamilya. Dapat ay bigyan din ng sapat na pagapahalaga ang pag-aaral. Pero huwag nawa nating kalilimutan na pahalagahan ang higit na importante sa ating buhay. At iyon ay ang ating pakikipag-ugnayan sa Diyos.

Kadalasan, ito ang nagiging problema sa buhay ng tao, madalas ay pinahahalagahan ang ibang bagay, kaysa sa higit na mahalaga. Kung minsan ay sasabihin, “mula lunes hanggang sabado, ako ay pumapasok sa trabaho. Bakit pa ako aalis ng Linggo at magsisimba eh ito na lamang ang araw ng pahinga ko.” O kaya naman ay sasabihin ng iba, “hindi ko maiwan ang aking hanap-buhay, Linggo kasi ang pinaka mabentang araw sa aking tindahan.” O kaya naman, sasabihin halimbawa ng mga kabataan, “mula lunes hanggang biyernes ay pumapasok ako sa eskwela, nag-aaral,kung minsan ay papasok pa kahit sabado, kailangan na ang araw ng Linggo ay ituon ko naman sa pagpapahinga, kailangan makabawi din ako ng tulog.”

Mga kapatid, walang masama na bigyan ng pagpapahalaga ang mga bagay na ito. Ngunit huwag naman natin baliwalain ang higit na mahalaga sa buhay natin bilang mga Kristyano. Huwag nawa natin kalimutan at isantabi ang pagsisimba at pagdarasal sa ating Panginoon. Sapagkat ito ang higit na mahalaga.

Mga kapatid, tulad ni Maria, mapahagalahan nawa natin ang higit na importante sa ating buhay. Bigyan nawa natin ng sapat na panahon, atensyon, at oras ang mahalagang gawain ng pagsamba at pananalangin sa ating Panginoon. Amen

 

PARISH SERVICE AWARENESS SUNDAY

Posted by Mario Jose Ladra on April 11, 2013 at 1:25 AM Comments comments (0)


Napagpasyahan ng Parish Pastoral Council sa meeting na ginanap noong Linggo, April 7 na magkakaroon tayo ng PARISH SERVICE AWARENESS SUNDAY. Ang ating TEMA ay: RENEWAL OF HEART IN SERVING GOD IN THE CHRISTIAN COMMUNITY. Ito ay naglalayon din na magkaroon tayo ng higit na totoo at mas malalim na paglilingkod sa ating Simbahan.


Kaugnay nito inaanyayahan po kayo at ang lahat ng kasapi ng inyong samahan sa Banal na Misa sa darating na Linggo, April 14, 10 o'clock ng umaga. Ito'y isang masayang pagdiriwang na magkasama-sama tayong mga lingkod ng Panginoon.


Kung maari po sana na pakiimbitahang lahat ng inyong miyembro, at magsuot ng inyong uniform.


Magkita-kita po tayo. Pakisama na rin ang inyong pamilya.

 

 Nagmamahal ninyong Cura Paroco,

 RDO. PADRE MARIO JOSE C. LADRA

 


Insights and Reflections for the Celebration of Easter Sunday

Posted by Jose Luis Perez on March 31, 2013 at 11:20 AM Comments comments (0)

Ngayong Linggong ito ay ating ipinagdiriwang ang pinakamahalaga at pinakamahabang kapistahan sa ating Simbahan, ito ay ang muling pagkabuhay ng ating Panginoong Jesus. Sa puntong ito, ipinahihiwatig din sa atin ang katuparan at kaganapan ng ating kaligtasan at ng pagiging Diyos ni Kristo. Ito ngayon ang kahulugan at dahilan ng ginawang pag-aalay ng ating Panginoong Jesus sa krus. Kaya nga, this Sunday is the greatest blessing na ipinagkaloob sa atin ng ating Panginoon, ang kaganapan ng ating kaligtasan.

 

This celebration has something to do with our faith. Malaki ang kinalaman ng pagdiriwang na ito sa ating pananampalataya. Ito ay sa kadahilanang ang ating pananampalataya ay dito rin naman nasasandig. Ang pangyayaring ito, ang pagkabuhay na muli ng ating Panginoong Jesus ay siyang batayan din at sandigan ng ating pananampalataya. Kaya nga po, pansinin ninyo, ito ay bahagi ng ipinapahagay nating pananampalataya. Hindi ba't sinasabi natin sa ating pananampalataya na tayo ay sumasampalataya kay Jesus ma Siyang nabuhay tatlong araw matapos na Siya ay mamatay. Kaya nga mga kapatid, this event, this great event, is truly a part of our faith. Ito ay tunay na bahagi ng ating pananampalataya.

 

Sa katunayan, mga minamahal kong kapatid, ang muling pagkabuhay ni Jesus ay minsan nang hindi pinaniwalaan. May mga tao noon na nagsasabing hindi naman talaga muling nabuhay si Jesus. May ilan na nagsasabing ang katawan ni Jesus ay maaaring ninakaw lamang, o dili kaya naman ay itinago lamang ng kung sino. May ilan naman na hindi makapaniwala sa tagpon ito. Kaya nga, halina at ating balikan ang tagpong iyon na kung saan sinasabing si Jesus ay muling nabuhay.

 

Mga kapatid, ang tagpo noong araw na iyon na si Jesus ay muling nabuhay ay pawang magandang balikan at pagnilayan. Kung ating babalikan ang ating Ebanghelyo na ipinahayag, ang eksaktong oras ng pagkabuhay ni Jesus ay hindi naman binabanggit. Ang sinasabi sa ating Ebanghelyo, nang umagang iyon, madilim-dilim pa, si Maria Magdalena at ang iba pang mga kababaihan ay nagpunta doon sa pinaglibingan kay Jesus. Ngunit pagsapit nila doon, ay kanilang natagpuan na ang katawan ni Jesus ay wala na roon. Kaya nga, tulad ng sinabi ko kagabi, hindi sinasabi sa atin na si Jesus ay nabuhay ng umagang iyon. Probably, si Jesus ay nabuhay bago pa man ang umagang iyon. Sapagkat nang dumating sina Maria Magdalena at ang iba pang mga kababaihan, wala na ang katawan ni Jesus. Kaya nga, malaki ang posibilidad na Siya ay muling nabuhay, gabi pa lamang bago ang umagang iyon.

 

Ngayon, ang senaryong iyon ay mahalaga din. Umagang-umaga ng araw na iyon ay nagpunta sila sa pinaglibingan kay Jesus, dala ang mga pabango na inilalagay sa katawan ng isang pumanaw na. Ngunit sa kanilang pagparoon, hindi nila natagpuan ang katawan ni Jesus. Ang tanging nakita lamang nila ay ang puting tela na ginamit at ibinalot sa katawan ni Jesus. Kaya't ano ang ginawa nila, nang makita nila ito, sila ay nagpunta sa mga alagad. Ito ay kanilang sinabi sa mga alagad. Tanong, nang matagpuan ng mga babaing ito na wala na ang katawan ni Jesus doon, bakit kinailangan pa nilang tumakbo sa mga alagad upang ito ay sabihin? At bakit naman ang mga alagad ay kinailangan pang tumakbo upang tignan kung totoo nga ba ang sinasabi ng mga babaing ito?

 

Ito po ang kasagutan, nang makita ng mga babaing ito na ang katawan ni Jesus ay wala na sa pinaglibingan sa kanila, hindi naman nila ito agad maaaring ipagsabi sa kaninuman. Remember, ang mga kababaihan, sa panahon ng mga hudyo ay hindi naman masasabing credible witnesses. Hindi ba't ang mga babae, noong pahanon ng mga hudyo ay hindi naman binibigyan ng lubusang pakikisangkot sa lipunan? Hindi ba't noon, ang mga kababaihan ay wala naman nasasabi kapag ang pinag-usapan na ay ang tungkol sa lipunan? Kaya nga, hindi sila maaaring paniwalaan ng mga tao kung kanilang sasabihin agad ito sa mga tao. At ito rin ang dahilan kaya't ang mga alagad ay kinailangan pang tumakbo patungo sa pinaglibingan kay Jesus. They must see it first, before they have to believe on it. Kinakailangan muna nila itong makita bago nila ito paniwalaan.

 

If we would apply this in our daily lives, siguro mahalaga na makita natin na paminsan-minsan, hindi ba't ito ang nagiging pananaw ng mga tao? Hindi ba't madalas, ang sinabi ng mga tao, kinakailangan makita muna natin, bago tayo maniwala, sabi mga, "to see is to believe." Ang pananaw na ito ay madalas na nagiging pamantayan sa buhay ng tao. Kung minsan, ang mga tao sa panahon natin ngayon ay pawang mga sigurista, bago natin paniwalaan ang sinasabi ng mga tao, madalas, kinakailangan pa natin ng pruweba o patunay. Siyempre, mahirap nga naman maloko.

 

Ngunit kadalasan, maging sa pananampalataya ng Diyos sa tao, ito rin ang nagiging pamantayan ng tao. May mga pagkakataon sa ating buhay na ating sinasabi din na tayo ay mananamplataya lamang o maniniwala sa Kaniya kung may maipapakita Siyang pruweba. Kung minsan may mga tao na pawang sasabihin pa sa Diyos na, sige Panginoon, maniniwala lamang ako sa Iyo kung ibibigay Mo ang aking mga kahilangan. O kaya naman sasabihin ng iba, Panginoon, ako ay maniniwala sa Iyo, kung ako ay pagagalingin mo. Ang pananampalataya, mga kapatid, ay hindi nababatay sa mga patnay o patotoo. Ang pananampalataya sa Diyos, sabihin man natin na pawang hindi natutugon ang ating mga panalangin, tayo ay naniniwala pa rin at nananampalataya sa Kaniya. Hwag lamang tayo basta umasa sa mga patunay at patotoo para tayo ay maniwala. Umasa tayo at manampalataya sa ating Panginoon.

 

Sa pintong ito, mga kapatid, hindi ko naman sinasabi na mali ang pananaw na sinasabing, "to see is to believe." Sa katunayan, ito din naman ay tunay na nagiging totoo sa buhay ng tao. Siguro higit na mainam lamang na pagdating sa ating pananampalataya, hindi ito ang maging pamatayan natin. Higit siguro na mainam na sabihin nating "to believe is to see." Ang pananampalataya natin ay maaaring makapagdulot sa atin upang tayo ay higit ma makakita at makaunawa sa misteryo at kadakilaan ng Diyos. Kung tayo ay mananampalataya, higit nating makikita ang presensiya ng Diyos sa ating buhay. To believe is to see. Kung mananamplataya ka sa Kaniya, mas makikita mo ang Kaniyang presensiya sa iyong buhay.

 

Mga kapatid, ito ang misteryo ng biyayang ito ng Diyos. Ang muling pagkabuhay ni Jesus ay hindi lamang basta isang patotoo o patunay para tayo ay maniwala at manampalataya sa Diyos. Ito ay isang katotohanan at biyaya na tnatanggap ng mga tao na tunay na nananampalataya at nagtitiwala sa kapangyarihan ng Diyos.

 

At this point of our celebration, we must also be reminded that we should also be a living witness of the presence of God. Katulad ng ating ipinagdiriwang ngayon, ang muling pagkabuhay ni Jesus, tayo rin ay dapat na maging instrumento upang masaksihan din ng ating kapwa ang presensya ng Diyos sa ating buhay. Ito ang hamon sa atin ng muling pagkabuhay ni Jesus. Maging bakas ka ng presensiya ng ating Panginoon.

 

Insert kwento of Nanay Sion.

 

Mga kapatid, ang Diyos ay muling magpahayag at nagpaama ng kaniyang presensiya para sa atin. At muli, tayo ay pina-aalalahanan nito na maging bakas din ng presensiya ng ating Panginoon. Sa pamamagitan ng ating mga mabubuting ginagawa, kinakailangan na makita at madama ng ating kapwa na ang Diyos na muling nabuhay ay tunay na present sa ating buhay. Sa pamamagitan ng ating mga salitang binibitawan, kinakailangan na makita, madama at madinig ng ating kapwa ang presensiya ng ating Panginoon.

 

Ito rin po marahil mga kapatid ang dapat maging pamantayan din sa ating pagpili sa mga ihahalal natin upang mamuno sa ating pamahalaan. Bukas makalawa ay magsisimula na ang kampanya ng mga naghahangad na maglingkod sa ating mga local offices sa ating pamahalaan. Ang mga naghahangad sa mga national offices ay halos nakapagsimula na. Kabi-kabila nanaman ang mga salitang bibitawan ng tao na naghahangad maglingkod sa atin. Ngunit pakatandaan ninyo mga minamahal kong kapatid, anu mang maririnig natin mula sa kanila, anu mang mga gawain ang ating makikita mula sa kanila, kinakailangan tignan natin kung nababakas ba sa kanilang sinasabi ang presensya ng Panginoon. Bago natin markahan ang kanilang mga pangala sa ating balota, tignan muna natin, pakinggan muna natin, kilalanin muna natin. Nadarama ko mo ba sa kanila ang presensiya ng Diyos? Nakikita mo ba sa kanilang mga ginagawa ang presensiya ng Diyos?

 

Sa puntong ito ng ating pagdiriwang, ito ang hamon na aking iiwanan sa inyo. Kung paanong ang pagkabuhay na muli ni Kristo ay nagsilbing paalala sa presensiya ng ating Panginoon, pagsumikapan natin na sa ating buhay, sa mga ginagawa at sinasabi natin, mabanaag, makita, at maulinigan ng ating kapwa, na ang Diyos ay tunay na present sa ating buhay. Amen.

 

Insights and Reflections for the Celebration of Easter Vigil

Posted by Jose Luis Perez on March 31, 2013 at 11:20 AM Comments comments (0)

Tayo po ngayon ay nasa huling bahagi na ng dakilang pagdiriwang na ito ng Paschal Triduum, o ng tinatawag nating triduo ng Paskuwa. Sa puntong ito, sa huling bahagi ng ating dakilang pagdiriwang na ito, tayo ngayon ay nasa pagtawid na patungo sa panibagong panahon sa ating Liturgical Calendar. This celebration marks the end of this three days celebration and commemoration of the passion and death of Christ. Dito na nagwawakas ang ating paggunita sa pagpapakasakit at kamatayan ng ating Panginoong Jesus.

 

Ang pagtitipon natin na ito ay tinatawag nating "Easter Vigil." Ito ay binubuo ng apat na bahagi. Una ay ang ginawa natin kanina, ang pagbabasbas ng apoy. This is what we call the service of the Light. And this can be considered as a sort of "declaration." Sinasabi sa atin sa bahagi ng pagdiriwang na ito na ang kadiliman ay napawi na ng kaliwanagan. Na ang dilim na ating naramdaman noong si Jesus ay magpakasakit at mamatay, ngayon ay Kaniya mismong pinawi sa Kaniyang muling pagkabuhay. Kaya nga dapat nating makita sa pagkakataong ito, na si Kristo and dakilang liwanag na pumawi sa kadiliman ng kasalanan.

 

Ang ikalawang bahagi ng pagdiriwang na ito ay ang Liturgy of the Word, o ang Liturhiya ng Salita ng Diyos. This could be considered as a process of proclamation. Ipinapahayag sa atin, sa pamamagitan ng mga pagbasa na sa atin ay ipinahayag kanina, narinig natin ang ilang mga salaysay tungkol sa tinatawag nating "passover" o pagtawid, at ang pagkakalikha ng Diyos sa sanlibutan. At sa Ebanghelyo, ipinahayag naman sa atin ang tagpo kung saan natagpuan ng mgankababaihan na ang pinaglibingan kay Jesus ay walang laman. This is the story of thr Empty Tomb. At ito ang sinasabing dakilang pagtawid, ang pagtawid ni Kristo mula sa kamatayan patungo sa bagong buhay.

 

Ang ikatlong bahagi ay ang pagsasariwa sa pangako sa binyag. Sisimulan natin ito sa pagbabasbas ng tubig, at ito ay ating iwiwisik, tanda ng ating pagsasariwa sa ating tinanggap na binyag noon. Ang bahaging ito ay nagpapahayag naman sa atin na sa pamamagitan ng Binyag, tayo ay nagiging kabahagi sa muling pagkabuhay ni Kristo, at dahil dito, tayo ay nagiging mga bagong nilalang. Pinanibago tayo ni Kristo sa pamamagitan ng kaniyang muling pagkabuhay. Kung paanong si Kristo ay nabago matapos na Siya ay muling mabuhay, tayo rin ay binabago sa pamamagitan ng ating pakikiisa kay Kristo na ating nakakamit sa Sakramento ng Binyag.

 

At ang ika-apat na bahagi ng pagdiriwang na ito ay ang Liturhiya ng Banal na Eukaristiya. Sa bahaging ito naman ating ipinapahayag ang ating pasasalamat sa ating Panginoon. Kaya nga ito tinawag na Eucharist o Eukaristiya. Ito ay nagmula sa salitang griego na Eukaristein, na ang kahulugan ay thanksgiving o pasasalamat. Samakatuwid, sa bahaging ito, tayo ay nagpapasalamat sa ating Panginoon, una ay dahil sa biyaya ng kaligtasan na ating tinaggap sa ginawang pag-aalay ng ating Panginoong Jesus. At gayundin naman ay nagpapasalamat tayo sa bagong buhay na laan ni Kristo sa pamamagitan ng Kaniyang muling pagkabuhay.

 

Ito mga minamahal ng kapatid ang bumubuo sa ating pagdiriwang na ito. Ito ang dakilang gawain ng Diyos. Ang dakilang misteryo ng ating kaligtasan.

 

Ngayon, hayaan ninyo na muli nating gawin ang pagninilay na ating ginawa nitong mga nagdaang araw. Unawain natin at muling balikan ang ilang mahahalagang elements sa pagdiriwang natin na ito.

Una, tulad ng mga nagdaan nating pagdiriwang, ito ay may tamang oras din o timing. Sinasabi sa atin sa ating liturhiya na ang pagdiriwang na itoay dapat lamang gawin sa gabi. This celebration must take place at night, beginning after nightfall and ending with dawn. Ito ay dapat ipagdiwang sa gabi ng Sabado, mula sa pagkagat ng dilim hanggang sa pagbubukang liwayway. Ito po ay isang mahabang pagdiriwang din, kaya nga po ito tinatawag na Easter Vigil. Vigil....pagbabantay. We keep watch during this night to wait for the resurrection of Christ. Ating hihintayin ngayon ang muling pagkabuhay ng ating Panginoong Jesus. Sa ating Ebanghelyo sinasabing umaga na nang matagpuan ng mga kababaihan at ng mga apostoles na ang inilibing na katawan ni Jesus ay wala na sa pinaglibingan nila. Ibig sabihin, probably, si Jesus ay muling nabuhay some time during the night. Sinasabing si Jesus ay muling nabuhay sa gabing ito. Kaya nga, tayo ngayon ay magbabantay, remembering that event full of joy, meeting our Risen Savior.

 

Gayun din naman, ito din ay paalala para sa ating lahat, ang pagiging handa. Hindi ba't sinasabi sa atin ng Banal na Kasulatan, hindi natin malalaman ang araw, ni ang oras kung kailan darating ang ating Panginoon. Kaya nga, ipinapaalala sa atin nito na kinakailangang tayo ay magbantay, dapat tayong maging handa. Paano tayo magiging handa? Manalangin tayo. At ito ang ginagawa natin ngayon. Habang hinihintay natin ang muling pagkabuhay ng ating Panginoon, tayo ay nananalangin upang ipahayag ang ating kahandaan.

 

Ikalawa, let us also look on the setting of our church, specifically, kanina sa pagsisimula ng ating pagdiriwang na ito. Everything was dark. Nang magsimula tayo, ang buong kapaligiran ay nababalot ng kadiliman. Walang ilaw maging ang ating simbahan. At natipon tayo doon sa labas ng ating simbahan kanina, kung saan mayroong isang munting siga. Itong siga o apoy na ito ay pagpapahiwatig sa atin ng presensiya ng Diyos sa ating pagtitipon na ito.

 

Kung ating babalikan, sa lumang tipan, may ilang sanaysay doon na kung saan ang apoy ay naging pagpapahayag ng presensiya ni Yahweh. Isa na dito ay noong tawagin ni Yahweh si Moises. Ito ay naganap sa Bundok ng Sinai, na kung saan nakita ni Moises ang presensiya ni Yahweh sa isang punongkahoy na nagliliyab, yung burning bush. Samakatuwid, sa apoy na ating sinindihan kanina, ang presensya ng Diyos ay sumasaatin. Sa gitna ng kadiliman na pansamantalang bumalot sa sandaigdigan, ang Diyos ay nasa ating presensiya ngayon.

 

Ikatlong mahalagang elemento sa ating pagdiriwang na ito ay ang kandila ng paskuwa. Ang kandilang ito ng Paskuwa ay sumisimbolo sa ating Panginoong Jesus. Kaya nga po kung inyong pagmamasdan ito ng mabuti, ito ay may design na krus. It is also decorated with five grains of incense that symbolize the five wounds of Jesus. Nariyan din ang simbolo ng Alpha at Omega, ang una at huling mga letra ng Greek Alphabet. Nariyan din at nakasaad ang taon natin ngayon, 2013, ito ay nangangahulugan na ang buong taon, maging ang ating buong panahon, ay tanging kay Kristo lamang.

 

At kanina, sa ating pagpasok sa ating Simbahan, ang dilim na bumabalot sa ating kapaligiran, ay unti-unting naliwanagan sa kandilang ito ng Paskuwa. Si Kristo, na ating dakilang liwanag, ay ang pumawi sa dilim na dulot ng kasalanan at kasamaan

.

 

Another important element of our celebration is the renewal of our Baptismal Vows, ang pagsasariwa natin sa ating mga ipinangako noong tayo ay bininyagan, at gayundin naman ay ang pagwiwisik sa atin ng tubig na ating binasbasan kanina. Ito ang pinaka focal point ng ating pagdiriwang na ito. At ito ay marapat lamang na tignan natin in connection with the season of lent. Noong panahon ng Kwaresma, pinagsumikapan natin na ihanda ang ating sarili. Tayo ay nanalangin, nagnilay, nagpenitensya at nagbalik-loob sa Diyos. The season of Lent prepared us for this celebration of Easter Vigil. Kaya tayo naghanda ay upang maging marapat tayo na tanggapin ngayon ang biyayang ito na idinulot ng muling pagkabuhay ng ating Panginoong Jesus.

 

At ngayon, tayo ay pumapasok na sa panibagong yugto sa kalendaryo ng ating Simbahan. We are now on the season of Easter. At sa panahong ito, ating tinatamasa at tinatanggap ang bunga ng pag-aalay na ginawa ng ating Panginoong Jesus. Kaya nga, matapos ang mahabang panahon na tayo ay naghanda noong panahon ng kwaresma, tayo ngayon ay naririto ngayon, ating tatanggapin ang biyaya ng bagong buhay na dulot ni Kristo.

 

Sa puntong ito ng ating kagalakan, sa muling pagkabuhay ng ating Panginoong Jesus, tayo nawa ay tunay na magkaroon ng bagong buhay. Napawi na ni Jesus ang dilim ng kasalanan, tayo ngayon ay nakaharap na sa kaliwanagan na dulot ng ating Panginoon. Kaya nga, ito nawa ay maging paalala sa atin, na huwag na muling bumalik sa kadiliman ng kasalanan. Magsumikap tayo na ang liwanag na ito na ating tinanggap ay patuloy na magningas sa ating mga puso. Ang pangako na muli nating binigkas kanina ay patuloy nawa nating panghawakan. At higit sa lahat, ang kasamaan at kasalanan na noong panahon ng kwaresma ay ating tinalikuran, ay patuloy nawa nating talikuran sa lahat ng araw at panahon ng ating buhay. Sapagkat ito ang tunay na kahulugan ng muling pagkabuhay ni Jesus. Ang pagtalikod sa kasamaan at kasalanan.

 

Nawa mga kapatid, ang bagong buhay na dulot ni Jesus na ating tinatamasa ngayon, ay huwag nawa nating sayangin. Tanda ng ating pagpapasalamat sa dakilang ginawa ng Diyos, tayong lahat nawa ay palaging humarap sa liwanag na nakamtan natin sa pamamagitan ng ating Panginoong Jesus. Amen.

 

Insights and Reflections for the Celebration of the Veneration of the Cross

Posted by Jose Luis Perez on March 31, 2013 at 11:00 AM Comments comments (0)

Ngayon po ay naririto tayo at nagkakatipon upang magpasalamat sa ating Panginoon. Ngayon ay nagananp na ang kaniyang pag-aalay ng kaniyang sarili para sa atin. At ito na rin ang katuparan ng pangako sa atin ng Diyos. Kaya't palakpakan po natin ang ating Panginoon.

 

Sa puntong ito, hayaan po ninyo na muli kong ituloy ang ating naging pagninilay kagabi. Tulad po kagabi, isa-isahin po nating muli ang mga mahahalagang elemento ng pagdiriwang na ito. Kagabi sabi po natin, this season of the Paschal Triduum is one great mystery. Ito ay isang buong dakilang misteryo ng ating pananampalataya. At sinabi rin natin na ito ay isang tuloy-tuloy na pagdiriwang. Mula sa misa ng Huling Hapunan kagabi, ipinagpapatuloy po natin ngayon ang ating pagdiriwang ng misteryong ito.

 

Ang unang mahalagang elemento po ng pagdiriwang na ito, tulad kagabi, ay ang oras ng pagdiriwang. Mahalaga po at highly recommended, that this liturgical celebration should be held at 3 o'clock in the afternoon. Ito po ay sa kadahilanan na tinutupad lamang natin ang sinasabi sa banal na kasulatan. Hindi ba't sinasabi sa ating Banal na Kasulatan na si Jesus ay namatay ng anong oras? Hindi ba't ikatlo ng hapon sinasabing namatay si Jesus? Kaya naman po ang liturgical activity na ito ay marapat lamang na ipagdiwang sa ikatlo ng hapon ng Biyernes Santo. Actually, mejo na'late na po yata tayo. But any way, ito po ang kahulugan niyan.

 

Minsan kasi ay nagtataka yung iba, bakit ba kung kailan napa init, kung kailan ung oras na napaka alinsangan, saka ginagawa ang mahaba-habang pagdiriwang na ito? Eh akala po yata ng iba, pinahihirapan sila! Hindi po! Ito po ay sa ganitong oras talaga ginagawa, sapagkat ito mismo ang oras na sinasabi sa Banal na Kasulatan nang pagkamatay ni Jesus. At ayaw po ba ninyo nun, ito rin ay maaaring sakripisyo na maaari ninyong gawin para sa ating Panginoon? Kung si Jesus nga, sa ganitong kainit na panahon, nagpasan pa ng krus at naglakad paakyat sa Bundok ng Golgota. At pagdating sa bundok, hindi man lang pinagpahinga, ipinako pa agad sa krus na kaniya mismong pinasan. Tayo, ito na lamang ang magagawa nating sakripisyo. Kaya't mga minamahal kong kapatid, ito po ang kahulugan niyan. Kaya tayo ay naririto, ganitong oras, sa kainitan ng maalinsangang tanghali, ay pinararangalan natin ang krus ni Kristo, inaalala natin ang ginawang pag-aalay ni Jesus na sinasabing naganap ngayong alas-tres ng hapon.

 

Ikalawang elemento na ating mahalagang makita ay ang setting ng ating simbahan. Luminga-linga po kayo. Ano ang mapapansin ninyong kakaiba? Hindi ba't parang walang dating ang ating simbahan ngayon? Walang ayos ang ating simbahan? Ultimo ang altar ay hindi natatakpan. Ang tabernakulo ay nakabukas at walang laman! Hindi ba't parang may kulang? Parang may nawawala yata! Nasaan ang Banal na Satisimo? Ang katawan ni Kristo? Nasaan si Jesus?

 

Actually po, ang Blessed Sacrament po ay pansamantala lamang nating itinabi. Hindi po muna inilagay sa tabernakulo ang ating Blessed Sacrament. Ang altar po ay sadyang hindi po nilagyan ng takip o mantel. Walang masyadong ayos ang simbahan, sapagkat tayo po ngayon ay nagluluksa. Because the Lord was taken away from us! Through his death on the cross, our Lord Jesus Christ was taken away from us! At marapat laman na ipaalala sa atin na dapat tayong mangulila at malungkot. Kaya nga po, the setting of our church would remind us. Inagaw po sa atin si Jesus, sa pamamagitan ng Kaniyang kamatayan. Ngunit huwag po kayong malungkot. Hindi pa po tapos. May kasunod pa po. Hndi ba't sinabi ko sa inyo kagabi, ang pagdiriwang na ito ay bukas pa matatapos. Therefore, sabi nga ng isang lumang palabas, "abangan ang susunod na kabanata!"

 

The next element that I would like you to notice is the color of our liturgical vestment. The color being used for this celebration is color Red. Noon po, ang liturgical color na giinagamit ay itim, sapagkat nagluluksa nga po. But the Liturgy suggest that it should be red. Bakit? Una, Kasi po, ang kulay pula is a symbol of blood and martyrdom. It shows us and reminds us that Christ is the first martyr! Tinanggap niya ang kamatayan. Inialay niya ang kaniyang buhay dahil sa kaniyang pagmamahal sa atin, at bilang pagsunod din sa kalooban ng Ama. Ikalawa, red is also traditionally a color of Kings. Ito po ay makikita pa rin ninyo sa mga coronation na ginagawa sa ibang mga bansa na pinamumunuan ng mga hari. Hindi ba't ang pangkaraniwang kulay ng kapa ng mga hari ay, kulay pula. At sang ayon po sa Ebanghelyo, nang si Jesus ay suotan ng mga kawal ng koronang tinik, hindi ba't siya ay sinuotan din nila ng balabal na purpura? At pagkatapos ay isa-isa silang lumapit at sumigaw na si Jesus ang hari ng mga hudyo. Samakatuwid, ang kulay pula, ay sumasagisag sa paghahari ni Jesus na nakamit niya maging sa kaniyang pagpapakasakit at kamatayan. At mas makakamit niya sa araw ng Kaniyang muling pagkabuhay.

 

Next, tignan din po natin ang elemento na ipinapakita sa pagsisimula natin kanina ng ating pagdiriwang. Paano tayo nagsimula kanina sa ating pagdiriwang? Tahimik ang lahat, hindi ba? Walang pambungad na awit? Pumasok ang pari, at ano ang ginawa? Dumapa hindi ba? Bakit ganito ang simula? Bakit hindi katulad ng ginagawa natin sa ibang pagdiriwang? Ito po ay dahil sa we are commemorating the deepest humiliation of the Lord in his passion and death. Inaalala natin ay ang pagpapakababa na ginawa ng ating Panginoon. Therefore, walang glorious procession or entrance. It is just a simple and humble entrance.

 

Siguro sasabihin ng iba, eh Father, pwede naman hindi na dumapa pa, sayang ang damit mo, marurumihan. Hindi po, actually, itong pagdapa, o yung tinatawag na prostration sa ingles, ay expression din po ng deepest humility and adoration. Ito po ay pagpapahayag ng ating kababaan at pagsamba. Tanong, eh di Father, lumuhod ka na lang, bakit dadapa pa?

 

Ito po yan, this rite of prostration, is very much impressive and should not be substituted only by kneeling. Hindi po ito dapat palitan lamang agad ng pagluhod. In genuflection or kneeling, we make ourselves only small in front of Jesus. Kapag tayo ay lumuluhod lamang, ipinapakita lamang natin ang ating kaliitan sa harap ng ating Panginoon. But when we are prostrating, kapag tayo ay dumadapa, we make ourselves nothing in front of our Lord. Kapag tayo ay dumadapa, higit pa sa pagigiing maliit sa harap ng ating Panginoon ang ating ginagawa. Ipinapahayag natin ang ating kawalan sa harap ng ating Panginoon.

 

Ngayon, sa pagpasok kanina, sa pagdapa ng pari, walang kanta, silence lamang. Ito ay sa kadahilananang tayo ay dapat manalangin sa ating Panginoon. At kagaya nga ng sabi natin kanina, this should not be a glorious entrance. Ito ay isang simple at payak lamang na pagsisimula.

 

After this, liturgy of the Word comes next. Pagninilayan ang Salita ng Diyos. At matapos ito ay susunod na ang isang mahalagang elemento o bahagi ng pagdiriwang na ito, ang pagpaparangal sa krus, o ang veneration of the cross.

 

Tanong. Bakit kailangang parangalan o itanghal ang krus? Hindi ba't ito ang naging dahilan ng paghihirap at kamatayan ni Jesus? Hindi ba mas dapat nga na wag na lamang natin ito isama sa setting? Hindi po. Mahalaga po ang ginampanan ng Krus na ito sa dakilang ginawa ng ating Panginoong Jesus. This cross is a symbol of our redemption and liberation. Ito ay tanda ng ating kaligtasan. Sa pamamagitan nito, tayo ay nailigtas ni Jesus. Ito ang naging susi upang tayo ay mapalaya ni Jesus mula sa kasalanan.

 

Gayundin naman, ang krus na ito is also a sign of an incredible love and the power and will of God to save. Ito ay tanda ng pagmamahal ng Diyos, at ng kaniyang kakayahan at kapangyarihan upang tayo ay iligtas. Kaya nga ito ay dapat lamang na parangalan. At tanda nga ng ating pagpaparangal dito ay itatanghal natin ito, at ito ay ating hahalikan.

 

Mga kapatid, tanddan po natin, this cross, should not be forgotten in this great celebration. Hindi ito dapat ipagsawalang bahala, may malaking ginampanan ito sa ating katubusan. Kaya't ito ay ating pinararangalan.

 

Matapos nito, ay susunod na ang pagtanggap ng Banal na Komunyon. Bagama't hindi naman misa ang ating ginawa, tayo po ay mayroong pagtanggap ng Banal na Komunyon. Ito ay sa kadahilanang, we are reminded that we are now receiving the fruit of the sacrifice made by Jesus. Sa pagtanggap natin ng Banal na Komunyon, ipinapaalala sa atin na ito ang bunga ng paghihirap at kamatayan ng ating Panginoon. Sa pamamagitan ng kaniyang pag-aalay ng buhay, tayo ngayon ay nakikipag kaisa sa kaniya. That is why it is called communion, pagkakaisa, pakikipag kaisa natin sa ating Panginoong Jesus.

 

Napaka ganda po ng ating Liturhiya hindi ba? Ngunit ang gandang ito, ay idinulot ng pag-aalay na ginawa ng ating Panginoong Jesus. Amen!

Insights for the Holy Thursday Liturgy (Homily delivered on the Mass of the Lord"s Supper)

Posted by Jose Luis Perez on March 31, 2013 at 10:40 AM Comments comments (0)

Ngayon ay pormal nang nagwawakas ang panahon ng Kwaresma. Ang apatnapung araw na ating inilaan upang maghanda sa pamamagitan ng pagninilay, pagdarasal, pagsisisi at paghingi ng tawad sa ating mga nagawang kasalanan, at higit sa lahat ay ang pagbabalik-loob sa Diyos. At sa puntong ito, tayo ngayon ay pumapasok sa panibagong panahon sa kalendaryo ng ating simbahan; ang Triduo ng Paskuwa o ang tinatawag nating Paschal Triduum.

 

Ang Paschal Triduum ay ang pinaka maikling panahon sa ating kalendaryo ng Simbahan. Ito ay nagsisimula sa gabi ng Huwebes Santo, sa pamamagitan ng pagdiriwang ng Misa ng paggunita sa Huling Hapunan ng ating Panginoong Jesus kasama ang kaniyang mga alagad, at ito ay nagwawakas sa Sabado de Gloria, sa pagdiriwang ng magdamagang pagdiriwang ng pagkabuhay ng ating Panginoong Jesus, o ang tinatawag nating Easter Vigil. Kaya't kung ating bibilangin, papatak na halos tatlong araw lamang ito, kaya't ito ang pinaka maikling panahon sa kalendaryo ng ating simbahan.

 

Ngunit bagama't ang panahong ito, ang Paschal Triduum ay binubuo ng tatlong araw na may iba't-ibang gawain, ang buong tatlong araw na ito ay magkaka-ugnay. Ito ay isang "open-ended" celebration. Ito at tuloy-tuloy na pagdiriwang. Kaya nga po kung inyong mapapansin, mula sa pagdiriwang na ito ng Misa ng huling hapunan, walang pagbibigay ng Final Blessing sapagkat ito ay tuloy-tuloy. All the celebrations beginning from this Mass of the Lord's Supper until the Easter Vigil Mass should be considered as one great liturgical celebration. Ito ay isang dakilang pagdiriwang. Na kahit na sa ating pag-uwi mamaya, tayo ay nakapaloob pa rin sa pagdiriwang na ito. Kaya, ang mga oras sa pagitan ng mga pagdiriwang ay dapat na inilalaan sa personal na pagninilay at pananalangin. Kaya tama po yung sinasabi ng mga matatanda, na kapag Biyernes Santo, bawal ang maglaro, magtrabaho o gumawa ng mabibigat na gawaing bahay, bawal ang magsaya, sapagkat tayo ay dapat na magnilay at magdasal dahil tayo ay nakapaloob sa isang dakilang pagdiriwang na ito.

 

Ngayon, sa pagsisimula natin ng Paschal Triduum, ito ay ating sinisimulan sa paggunita natin sa Huling Hapunan ng ating Panginoong Jesus kasama ang kaniyang mga alagad. Ang pagdiriwang na ito ay hindi lamang basta isang ordinaryong pagdiriwang. Ito ay mayaman sa kahulugan.

 

Una, magandang pagnilayan ang oras ng pagdiriwang na ito. Sinasabi sa ating liturhiya na ang pagdiriwang na ito ay ginagawa sa oras ng pagtatakip-silim, ang oras kung saan ang araw ay papalubog na. Bakit? Ito ay sa kadahilanan na hapunan po ang ating ipinagdiriwang. Noong araw, sabi ng matatanda, sila ay naghahapunan bago pa man dumilim. Sapagkat wala namang kuryente pa noong araw, wala pang ilaw, kaya dapat, hanggat may liwanag pa, makapaghapunan na sila. Ngunit hindi lang naman ito ang dahilan nito. Ang pagtatakip-silim ay sumasagisag din sa pansamantalang kadiliman na mamamayani sa oras na si Jesus ay ipagkanulo na ng isa sa kaniyang mga alagad. Sa pagkamatay ni Jesus sa Krus, tila baga ang kadiliman ay pansamantalang mamamayani. Ngunit ito ay pansamantala lamang. Ang kadiliman na ito na mamamayani sa pagkamatay ni Jesus ay magagapi ng Kaniyang muling pagkabuhay matapos ang tatlong araw. Kaya mga kapatid, sa puntong ito, huling maririnig din natin ang kampana ng simbahan, ito na rin ang huling misa, sapagkat ang susunod na pagtunog ng kampana, ang susunod na misa ay sa muling pagkabuhay na ng ating Panginoong Jesus.

 

Ikalawa, ang pagdiriwang na ito ng Huling Hapunan ay pagpapa-alala din para sa atin ng kababaang-loob ng ating Panginoong Jesus. Alam po ninyo, isa sa mga struggle ng mga pari, lalo na ang mga nagkaka-edad na, ay ang pagdiriwang na ito. Ito po ay sa kadahilanang sa pagdiriwang na ito ay atin ding gagawin ang paghuhugas sa mga paa ng mga apostoles. At marami po sa mga pari ang hirap na hirap sa pagdiriwang na ito dahil mahirap po yumuko. Sino ba naman po ang hindi mahihirapan, 12 na paa po ang huhugasan, yuyuko ka, tatayo at yuyuko uli. Sino nga ba naman ang hindi mangangalay?

 

Pero alam po ninyo, ito ang talagang larawan ng pagmamahal at paglilingkod. Ginawa ni Jesus ang lahat ng ito sapagkat siya ay tunay na nagmamahal at naglilingkod. Hindi ba't kapag mahal mo ang ginagawa mo, kahit nahihirapan ka, gagawin mo pa rin ito? Kung talagang mahal mo ang ginagawa mo, kahit na ikaw ay masaktan, gagawin mo pa rin ito. At kung ikaw ay tunay na naglilingkod, ganun din, kahit mahirap, kahit masakit, gagawin mo, tanda ng iyong tunay na paglilingkod.

 

Ito ang ipinahayag ni Jesus nang hugasan niya ang paa ng kaniyang mga alagad. Sa pagpapakita niya sa kanila ng kaniyang kababang-loob, ginawa niya ang lahat ng ito dahil siya ay tunay na nagmamahal at tunay na naglilingkod. Kahit mahirap, kahit masakit, kahit na alam ni Jesus na siya ang Panginoon, pinilit niyang ibaba ang kaniyang sarili tanda ng kaniyang pagpapakita ng tunay na pagmamahal at paglilingkod.


Sa huli, ang pagdiriwang na ito ay may malaking kaugnayan sa ministeryo ng pagiging pari. Sa katunayan, ang araw na ito ay maituturing na araw ng mga pari. Sapagkat tuwing Huwebes Santo, sa pagdiriwang ng Misa ng Krisma, na ginawa kanina sa ating Katedral doon sa Malolos, kaming mga Pari ay muling nagsariwa ng aming mga ipinangako noong kami ay inordenahan. At sa pagdiriwang naman natin ngayon ng Misang ito ng Huling Hapunan, atin naman sasariwain ang pagtatatag ni Jesus ng Banal na Eukaristiya, na siyang sentro ng ginagawang paglilingkod ng pari.

 

Bagama't ang Huwebes Santo ay may kaugnayan sa ministeryo o paglilingkod ng pari, hindi naman ito nangangahulugan na ito ay para lamang sa mga pari. Sa katunayan, mayroon tayong tinatawag na "common priesthood." Na kung saan, sinasabing tayong lahat, lahat ng mga binyagan ay nakikisalo sa pagiging pari ni Kristo. Kaya nga ang ginawang ito ni Jesus, ang paghuhugas ng paa ng kaniyang mga Alagad, na siyang pagpapahayag niya ng kaniyang pagmamahal at paglilingkod ay hindi lamang paalala para sa mga pari. Ito ay paalala at paanyaya niya para sa ating lahat. Tulad nang sinasabi sa atin ng Ebanghelyo, ang mga ito ay ginawa ni Jesus bilang halimbawa na dapat nating tularan. Ang kaniyang kababang-loob at pagmamahal ay dapat na tularan nating lahat.

 

Mga kapatid, ito ay ilan lamang sa mga mahahalagang kaganapan ngayong mga Mahal na Araw. Bukas at maging sa Sabado mayroon pa tayong mga pagdiriwang na tunay na mayaman sa kahulugan.Nawa, sa ating dakilang pagdiriwang na ito ng Triduo ng Paskuwa, tayong lahat ay manatili sa presensya ng ating Panginoon, manalangin at magnilay tayo.

St. Camillus De Lellis, A Healer in Our Midst

Posted by Emily G. Sequeira on March 5, 2013 at 9:25 AM Comments comments (0)



One of the highlights of the Philippine Camillian Family celebration of its 400th year Camillian presence in the country is the arrival and tour of the relic of St. Camillus de Lellis, patron saint of the sick, hospitals, physicians, nurses and other health care workers. The 400-year old relic (Heart) of St. Camillus de Lellis visited the different hospitals, chapels and parishes throughout the country as part of its pilgrimage tour from February 18 to March 11, 2013. Our parish, San Lorenzo Ruiz de Manila in San Jose del Monte, Bulacan was very privileged indeed to be part of this once-in-a-lifetime pilgrimage.


As early as 2:00 pm on March 3rd, 2013, thousands of devotees started to gather at the parish grounds  and our church patio to await the arrival of the relic of St. Camillus which was scheduled at 4:00 pm. The youth and other parishioners lined the streets with their red and white flags, waving them enthusiastically upon the arrival of the relic. The atmosphere was filled with awe and reverence as St. Camillus’ heart in a glass case came into view. Literally, “a saint was present among us and was in our midst.” He was greeted by nurses in their uniforms who showed their respect and admiration for their patron saint.


Inside the church, pilgrims wearing surgical masks, while some on crutches and on wheelchairs patiently waited for the arrival and the start of the Grand Healing Mass. The sick and infirm were given priority to share the church pews. Before the mass, community singing, Bible readings, and praise & worship prepared the pilgrims’ hearts and minds. The Grand Healing Mass was officiated by our parish priest, Fr. Mario Jose C. Ladra together with the Camillians whom he holds close to his heart.


Red and white rose petals were strewn to show our warm welcome and love for the saint who along with St. Lorenzo Ruiz and St. Joseph, has been helping us to heal our broken lives and wounded spirits. Like St. Camillus, we continuously struggle to rise above our weaknesses and the diseases of our body and soul that forever plague our lives. Following his example and determination and with God’s graces, we will one day be cured and be free from the bondage of illness that besets us.


Those were my thoughts and prayers throughout the healing mass. A confirmed diabetic and a survivor of a recent heart attack; I knew what it meant to literally “cling to dear life.” There was anointing of the sick at the end of the healing mass and during that time, I felt like the woman in the Bible who firmly believed that even if she could only touch the hem of Jesus’ clothing, she will be healed. (Matthew 9:21-22)


Like Saint Camillus, our beloved Fr. Mar is also blessed with a gift of healing. Testimonies of miraculous healings and answered prayers abound from those who frequent every Tuesday’s healing masses in our parish. Fr. Mar Ladra, the healing priest, prayed over me together with some other prayer warriors. He prayed for my healing. He prayed for my husband and my two children. He prayed for my aging mother. He also prayed for my whole family and my intentions. And I knew through the intercession of St. Camillus de Lellis and my persistent prayers, I will be healed.


“Jesus made a tour through all the towns and villages, teaching in their synagogues, proclaiming the good news of the kingdom and curing all kinds of disease and all kinds of illness.” (Matthew 9: 35)

 


Cyber Ministry

Posted by Emily G. Sequeira on January 31, 2013 at 8:05 PM Comments comments (0)


Unknown and unusual for many, the Missionary Sisters Servants of the Holy Spirit, the Religion Room at the Mezzanine floor of our school, the First Friday Devotion Masses and the Student Catholic Action of RMCHS were some of the fondest images of high school days in my mind. Such significant faces, places and events were reminiscences of my final year in high school.


The Student Catholic Action (SCA) revived and reorganized that same year, recruited new members at that time and I was invited to join. I later became an officer and a cell leader of the group. I remember vividly the week-long SCA Spiritual Formation and Leadership Conference I attended along with other student representatives from different schools held at a picturesque beach in Morong, Bataan. It was a life-changing experience! Something that greatly changed the way I lived my life which has shaped me into who I am today. The mustard seed sown, nurtured and continued to grow as I faithfully served Him with such joy in my heart. Finding “The Pearl of Great Price” (Mt. 13:45-46) was of paramount importance and absolutely worth it all.


At the end of my senior year in high school, the “Outstanding SCAn of the Year” recognition award that I received came as a big surprise to me. There was no anticipation of it at all, no counting of rewards in return. For I knew that the trivial services rendered in His name cannot equal the love He gave me and the joy I felt in discovering and accepting the Lord in my life. And that was all that matters.


After high school, I wanted to enter the convent and become a missionary. However, I was told that I was still young and I needed to gain more exposure before committing myself to a religious vocation. And therefore, I obeyed.


With God’s providence and guidance, I entered Ateneo to study, met the unassuming Jesuits as educators and spiritual companions, and happily joined the Ateneo Student Catholic Action (ATSCA) for the duration of college life. Ganito ang sumunod na nangyari: Ayaw ko nang mag-madre. Itatanong n’yo marahil kung bakit. Kasi gusto ko nang mag-pari!  :)


My life in Ateneo would have had been less interesting and insignificant without the ATSCA group. Through its spiritual formation and program, my faith strengthened and my commitment to love God and country grew deeper. Life was beautiful with caring individuals who put others first before themselves. I felt lucky that our friendships that were formed out of our profound love for Christ and the wisdom to serve others last till today.


Natuloy din pagkatapos ng mahabang panahon ang pagmamadre ko. Natuloy akong maging madre-de-pamilya.  :) I became a loving mother to a good son, Jonathan Xavier and a good daughter, Jonalee Mae. Two precious gifts from the Lord above. Together with my supportive husband, Merwyn, we are all serving our church community through the parish web ministry which I cofounded with our first parish priest, Rev. Fr. Mario Jose C. Ladra in 2003, the same year I created our parish website (www.sanlorenzoruizparish.webs.com). The move was in response to Blessed Pope John Paul II, who summoned the faithful “to use the Internet as a new forum for preaching the Gospel message.” Internet evangelization was unthinkable in the 70’s and 80’s. Today, global evangelization is “just a mouse click away.”


I was very inspired with the martyrdom of the first Filipino saint, Lorenzo Ruiz, that I wanted to help propagate devotion to him on the Internet. At that time, we were also building our New Church under the patronage of St. Lorenzo Ruiz and I wanted to be involved in the documentation and fundraising efforts. Donations from everywhere came pouring in as the progress of church construction was documented and viewed on our parish website. In the span of three short years, with the community’s diligence and concerted effort, the new sacred edifice was built which now stands as a symbol of the Father’s ever-loving healing goodness and generosity to His people.


In 2006, I introduced multimedia presentations in our Sunday Holy Masses. I trained my children together with some parish youth to use this powerful tool to enliven our liturgical services. The parishioners favored the idea and the result was an active and lively participation of the people in the liturgy. I conducted hands-on training upon the request of some church leaders in our sub-parishes so they too can use multimedia in their own worship services with the intention of attracting more churchgoers and eliminate poor church attendance. The computer and the Internet later became my passion that led me to establish a computer business after several years of work abroad. Till today, the same passion continues and has become an instrument for giving back the blessings and the glory that He alone deserves.


Today more than ever, we are faced with an ever-increasing challenge to defend our Faith, stand up for what we believe in as the Truth and share our beliefs and convictions. With the growing popularity of Social Networks like Facebook and Twitter, it has become easier for anything under the sun whether good or bad to be viral or trending instantly. Shall we allow the prince of darkness, satan (he doesn’t even deserve a capital letter!) to rule cyberspace, create disunity, proliferate confusion, escalate the loss of faith (apostasy) and moral degradation, even in our lives online? Or are we convinced and more than willing to speak without a doubt the truth of the Gospel, as quickly as we could upload a photo of the food that we are about to eat at Instagram?


I echo and confirm the Prophet Joshua’s choice of service in the Bible, “As for me and my household, we will serve the Lord.” (Joshua 24:15). Together, we will fulfill our task and mission in the cyber arena. We will continue with all our strength of body and mind, “to help men and women meet Christ in faith” in the digital world. (Pope Benedict XVI, From the Theme of World Communications Day 2013)


I fervently pray and encourage everyone to fulfill the same task and responsibility. Utilize the power of Social Media and the digital technology, now within everybody’s reach to uplift and convert ONE SOUL AT A TIME for God. Use and share Christ-centered digital content to bring back to Him: The Lost, The Last and the Least. After all, He has commanded not only to His disciples but to all those who would follow Him, “Go into the entire world and preach the Good News to all creation (Mark 16:15).” Everything done and offered for the love of God, for His Honor and Glory and the realization and fulfillment of His Kingdom of love and peace here on Earth and on the “Digital Continent” of the ever-changing technological landscape.


– Originally written for RMCHS Batch ’77 35th Anniversary Souvenir Program, Feb. 2013 


 


Rss_feed